Top 10 Hugot Lines from Filipino Movies


Top 10 Hugot Lines from Filipino Movies

Masakit nga naman ang lokohin at paasahin sa wala ng taong minahal natin ng sobra sobra. Kaya heto ang pinakaaabangang movie lines na kung saan makakarelate yung iba sa kadramahang taglay na nabuo dahil sa ating mahuhusay na manunulat.

Top 10 Hugot Lines from Filipino Movies

1 Oh yes, kaibigan mo ako… and i’m so stupid to make the biggest mistake of falling inlove with my best friend.

Hindi masamang mahalin natin ang best friend natin as friend o as special someone. Ngunit laging tatandaan friendship always have limits if alam mon a friendship lang kaya niya ibigay saiyo, makontento ka nalang kasi lagi naman siyang nariyan para sayo handang damayan ka sa lahat ng oras.

2 Pero bogs, shinota mo’ko eh. Shinota mo ang best friend mo!

Friendship vs relationship ng magbf/gf? I think mas better parin yung magfriend lang kayo. Sa friendship pag kasama mo siya o hindi ok lang pag nagkamali ka tutulungan ka niyang itama ito. Ngunit sa isang relasyon kapag wala ka sa tabi ni bf/gf nako tatampo agad yan pag me kasalanan ka kay bf/gf pagaawaayan niyo pa yan.Ngunit pag si best friend shinota mo hindi mo sure kung hindi ka niya sasaktan. The point is walang kasiguraduhan yung relationship but friendship it last forever oo wag pilosopo may forever sa friendship hah.

Top 10 Hugot Lines from Filipino Movies

3 Adik ka na naman sa pag-asa eh. try mo na kaya lumaklak ng realidad!

Minsan kailngan nating sumuko, kesa magmukha tayong kawawaw o tanga! Oo tanga kasi  kahit alam mong malabo ng maging kayo ulit ipinipilit mo pa din ang sarili mo sa kanya. Dapat magising na tayo sa katotohanan, na hindi na sila babalik sa atin matoto tayong igive up yung mga bagay na Malabo ng maging sa atin pang muli.

4 Promise mo sa’kin okay? kahit ano’ng mangyari, forever tayong magiging magkaibigan. i’ll be that one guy who never breaks up with you and you will be that on girl who will never break up with me

Sabi ko nga “sa relationship as bf/gf walang kasiguraduhan kung kayo na talaga till the end” maaaring magiging gf o bf mo si best friend pero darating time masasaktan niyo lang isa’t isa. Ano sa palagay moa ng mas makakabuti sa dalawa? Yung nagging sayo siya ngunit after break up magkaaway na kayo o yung best friend lang kayo pero masaya kayo.

 

Top 10 Hugot Lines from Filipino Movies

5 Siguro kaya tayo iniiwan ng mga mahal natin: dahil may darating pang ibang mas magmamahal sa’tin-‘yung hindi tayo sasaktan at paaasahin…. yung magtatama ng lahat ng mali sa buhay natin.

Sabi ng matatanda kaya tayo iniiwan ng mga kasintahan natin ay dahil sa “hindi sila yung nakatadhana sa atin, o kaya naman hindi sila worth it sayo”. Totoo naman diba ngunit pwede rin namang upang mas maging metatag lang tayo diba? Upang sa susunod hindi na tayo maloko, umasa at masaktan ng basta-basta.

6 Hindi ako perfect and kahit kailan, hindi ko hihilingin na maging perfect ka. Ang hihilingin ko, subukan mong baguhin ang sarili mo para maramdaman mo na karapat-dapat ka. But you never tried!

Lahat tayo may mga personality na hindi kanais nais, mga personalidad na dapat talaga nating baguhin upang matawag tayong mature. Sapagkat ang mga personality nating ito ang sisira sqa atin sa paniniwala satin ng taong mahal natin, at sa pagmamahal na nilalaan nila para sa atin lamang. Oo totoo at tama naman na kapag mahal moa ng isang tao tatanggapin ka niya dapat ng buo. Ngunit ok lang ba sayo na parati siyang masasaktan dahil dito? Mahal mob a talaga siya o mas mahal mo pride mo?

Top 10 Hugot Lines from Filipino Movies
7 Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako? … Oh kailangan mo ako kaya mahal mo ako?

Love at needs magkaiba sila spelling palang magkaiba na meaning pa kaya. Parang ganito lang yan ei sa masasabi mo lang siyang friend mo siya pag me kailangan ka pag need mo ng sagot sa exam, kapag me kailangan ka na meron siya?  Ngunit kung kaibigan talaga turing mo sa kanya sasamahan mo siya for better or for worst may mga moments pa nga na nililigtas ng isa ang lahat diba? Inaangkin niya ang kasalanan ng lahat upang hindi madamay ang iba. Ganun kasi sa love ei pag mahal mo gagawin mo yung lahat para sa kanya hindi yung ikaw yung magiging pabigat ka sa kanya.

8 She loved me at my worst. You had me at my best, but binalewala mo lang ang lahat.. And you chose to break my heart

Ang pagsuko ay hindi masama lalo na kung pakiramdam mo hindi kana talaga mahalga sa kanya. Yung feeling na nageeffort ka ngunit hindi sapat sa kanya yung kaya mo ibigay, ang sakit diba you do your best pero babalewalain niya. Kung mahal ka talaga niya kahit simpleng effort lang na ibibigay mo papasalamat siya ngunit yung ganong lahat lahat ginawa mo na mapasaya lang siya? Bigti na bes… joke.. isuko mon a siya I mean.

Top 10 Hugot Lines from Filipino Movies

9 Ang mundo ay isang malaking Quiapo. maraming snatcher, maaagawan ka. Lumaban ka!

Kung mahal mo ang isang tao gagawin mo yung best mo para maipadama mo sa kaniyang mahal mo siya. Hindi mo dapat hahayaang mawla siya sayo kaya huwag mo hayaang maramdaman niyang hindi siya importante sayo o huwag mo hayaang mafeel niyang hindi mo siya mahal. Simple lang naman ang sekreto sa metatag na relatiosnship e imaging tapat kayo sa issa’t isa, effort and time at syempre pagpapahalaga.

10 May mga maswerteng tao na nahanap na yung taong para sa kanila. May mga taong patuloy na naghahanap at may iba na sumuko na. Pero yung pinakamasaklap eh yung na sayo na pinakawalan mo pa

Yung feeling na iniwan mo siya tapos marerealize mong mahal na mahal mo pa pala siya. Ang saklap diba? May mga moments kasi na naaattract tayo sa iba ngunit ang pagmamahal at ang tukso ay talagang magkaiba. At iniiwan natin yung meron tayo para makuha yung nais nan gating mga mata. Sabi ng matatanda “Ang kagandahan? Kukupas din yan. Ang sexy? Tataba din yan. At ang flawless? Kukulubot din yan. Ngunit kung mahal mo talaga? Kahit kalilan hindi tumatanda ang puso.”

“Salamat muli sa pagbisita sa blog site ng matataray, nagustuhan niyo ba ang topic natin tungkol sa hugot lines na ating inaabangan sa mgas paboritong pinoy movies? Kung oo patuloy lang na abangan ang aming mga update o kaya naman bisitahin ang aming FB page ms.taray- hugutera”

Please Like and Share but don’t forget to Smile 🙂
Thanks!

(Visited 1 times, 1 visits today)