Top 10 Halaga Quotes and Patama lines


Top 10 Halaga Quotes and Patama lines

Madalas ang halaga sa kanta nalang natin napapakinggan at nararanasan, Kasi nung una kalang naman niya pinahalagahan, nung una lang niya ipinaramdam ang iyong halaga. Bakit nga ba ganun? Bakit sa una lang bakit hindi kayang magging consistent? ganon ba talaga ang lalaki (hindi lahat kaya kung hindi ka tinamaan huwag pabebe) sa una lang todo effort, kasi me habol kasi me gusto maachieve? may goal na dapat makuha or may limit lang pagiging sweet, pagiging maalaga, pagiging maeeffort at pagiging mapagmahal? ganun ba talaga yun? Hanggang ilang weeks or months lang ba talaga yung pagpapahalaga niyo? Kaya hindi niyo kami masisisi kung bakit kami nanlalamig. Gusto niyo ng sample? Sige ganito… ung una ihinihinto niyo pagmomoba niyo magkatime lang samin, hanggang dumating yung time na nagpapaalam na, then ipinapaalam nalang na naglalaro na pala hanggang sa mumurahin na kami dahil bigla kaming nagchat while playing kayo! ei bakit nagpaalam ba kayo! bakit kasalanan ko ba kung namimiss na kita? kasalanan ko ba kung nag-aalala ako baka napano kana! Ei kung isinali mo ako ei di sana natulungan pa kitang makuha yan victory na yan! kung tinuruan mo ko ei di sana hindi ka maddc kasi tumawag ako sa messenger! (hindi ko nilalahat hah! pero parang ganun na nga!) Oo i know naman na lahat tayo hindi lang jowa yung priority kasi may work tayo, may pasok sa school, may mga gawaing bahay pero hindi naman siguro masamang magpaalam or magsabi na me gagawin diba? pwede namang ipaalam sa partner yung schedule ng pasok, ng work at kung me gagawin sa bahay pwede namang magsabi diba?) Hindi naman pagbabawalang maggames ei basta magpapaalam and magkakaroon parin ng bebe time.

Halaga Quotes, Patama lines, Hugot lines, Banat lines, Sad tagalog Quotes, Nagmamaganda Lines, Friendship Goals, One-sided friendship, Wowganda.com
Dati umiiyak ka ng dahil sa laruan. Ngayun umiiyak ka dahil ikaw yung pinaglaruan.

Buti pa dati umiiyak kalang kasi nasira ung laruan mo or hindi mabili ng nanay/tatay mo yung gusto mong laruan. Ngayon lugi ka parin kasi ikaw naman ang napaglaruan, sakit nun noh? yung tipon “pinaglaruan kalang ng sineryoso mo”, wala tayong magagawa hintayin nalang natin si karma ang gumanti sa kanya. Ganun naman kasi si “Karma parang teleserye kung hindi ngayon coming soon” wait mo lang hahaha. Kaya sa mga kagaya kong nakaranas na mapaglaruan ang damdamin huwag kayong mag-alala darating din yung karma niyo 😀 good karma mga teh darating din yung guy/girl na deserve niyo yung seseryosohin din kayo.

Dun tayo sa lalaki na kahit hindi gwapo basta seryoso.

Yes naman, sino ba naman ang gustong maloko? oppss meron din pala yung ibang gusto lang magpakamot, hindi nagiisip basta gwapo patol na agad, tas pag nabuntis at hindi pinanagutan makapagdrama sa social media wagas, pagdating kasi sa love ginagamit minsan yung utak, pagisipan muna ang mga gagawin before dmating yung time na magsisisi ka.

Halaga Quotes, Patama lines, Hugot lines, Banat lines, Sad tagalog Quotes, Nagmamaganda Lines, Friendship Goals, One-sided friendship, Wowganda.com
Wag mo seryosohin ang kasweetan nya, bored lang yan kaya nilalandi ka.

Minsan may mga taong darating sasabihin mahal ka daw agad, ei hindi mo naman kilala, ganun naman ibang lalaki ei kapag nakitang maganda ka. Kaya ingat kayong magagandang tulad ko huwag basta basta magtiwala Hinbdi porket pogi bigay agad huwag marupok, paluin ko kayo eii. Oo hindi lahat ng lalaki manloloko at hindi ko rin sinasabing lahat ng gwapo manloloko ayoko lang na nasasaktan tayo lagi mga teh, oo masarap magmahal pero masakit din masaktan kaya before pumasok sa isang relasyon pagisipan munang mabuti before dumating yung time na pagsisisihan mong nafall ka sa kanya.

Huwag mong pagpuyatan kung option kalang naman, kaya ka nale-late sa trabaho ei.

Minsan magtataka tayo bakit nafall pa tayo sa taong taken na? ang misrable nuh? una alam nating mali, ikalawa ayaw mo makasakit ng iba and last ayaw mong masaktan kasi alam mong pagmamay-ari na siya ng iba. pero dumarating parin sa point na hinihiling nating “sana nauna ako dumating”, “sana ako nalang yung taong mahal niya” puro sana pero wala na, wala na tayong magagawa kasi huli na ang lahat. Kaya ang choice mo nalang is huwag nalang pilitin kasi masasaktan kalang sa huli, or makakasakit kalang sa huli.

Halaga Quotes, Patama lines, Hugot lines, Banat lines, Sad tagalog Quotes, Nagmamaganda Lines, Friendship Goals, One-sided friendship, Wowganda.com
Hirap sa mga tropa ko lahat sila may bebe na.

Ang hirap isiping sa mga tropa mo may nagkamali na sayo nalang wala hahahaha. Yung tipong dati me gala mode kayo pagweek ends ngayon wala na, dati me boding time kayo ngayun wala na kasi pinagbabawalan na ang hirap diba? miss na miss mo na mga barkada mo ang ki-KJ nga lang ng jowa nakakainis diba? Kung ako magjojowa pipiliin ko yung lalaking hindi ako pagbabawalang makipagmeet at makipagdaldalan sa mga tropa ko kasi me tiwala siya. Ei kanino ako makikipag bonding sa mga kaaway ko? ei di sinabunutanb ako ng mga yun!

Ang sakit pala kapag ang dami mong kaibigan, pero wala kang malapitan kapag may problema ka.

Hindi lang siya masakit nakakalungkot pa “nagkajowa lang sila nagbago na sila” kapag sila me problema sa buhay pag-ibig nalalapitan nila ako, bakit kapag ako me problema lumalayo kayo, iniiwasan niyo ko? Parang sa Love nadin ba to? meron ng One-sided friend? ako lang yung tumuturing sayong kaibigan tapos ikaw lumalapit lang sakin kapag may kailangan. Sabi nga nila “mas ok pang mawalan ng jowa kaysa mawalan ng tunay na kaibigan” kaya sorry nalang kayo hah kung mawala ako sa inyo mga friend.

Halaga Quotes, Patama lines, Hugot lines, Banat lines, Sad tagalog Quotes, Nagmamaganda Lines, Friendship Goals, One-sided friendship, Wowganda.com
Hindi man tayo sabay ipinanganak. Kahit ikaw yung mas bata o mas matanda. Promise, sabay tayong tatanda.

Ang tunay na pagmamahal walang pinipiling edad, itsura at kakayanan sa buhay. Kaya kapag sinabi mong mahal mo siya dahil pogi siya or maganda siya, hindi mo ako mapapaniwala kasi mas kapanipaniwala yung umibig ng walang dahilan. Kasi ang itsura nagbabago yan, ang ugali nagbabago rin yan, sexy siya ngayon? darating time tataba or mamamayat yan kasi nga “walang permanente sa mundong ito”. Kaya if magmamahal ka make sure na siya yung taong gusto mo ingatan, makasama, alagaan at mahalin habang buhay.

Wala akong balak palitan ka, tayo man o hindi, depende sayo kung papalitan mo na ko.

Sa panahon ngayun madalas me reserba na, bilang nalang yung talagang seryoso, merong mga taong nagbago na pero sila naman yung naloloko? gusto mo malaman kung bakit? Kasi yun ang karma nila, ang tao kasi hindi matututo hanggat hindi nila nararanasan ang isang bagay. Or hindi nila marerealize na mali yung ginagawa nila kasi nga hindi nila alam na mali, kasi nageenjoy sila. Kaya ang gamot sa mga taong ganito ay yung makatagpo nila yung taong babago sa buhay nila. Swerte mo kung ikaw yun ei pano kung isa ka rin lang sa mga balak niyang lokohin? Kaya kung seryoso ka sa pagjojowa make sure na kilatising mabuti ang jojowain kung ayawa masaktan.

Halaga Quotes, Patama lines, Hugot lines, Banat lines, Sad tagalog Quotes, Nagmamaganda Lines, Friendship Goals, One-sided friendship, Wowganda.com
Maitsura din naman mga pinsan ko pero ndi ko sila naging crush,Ewan ko sayo sa sobrang harot mo pati pinsan mo tinatarget mo.

Ang kasabihang “walang pinsan pinsan” ay kasabihan ng mga taong hindi marunong mahiya sige direct to the point na natin, kasabihan po yan ng mga taong WALANG HIYA! Kung kating kati kana talaga kuya or ate matuto ka namang pumili ng kakamutin or pagpapakamutan mo matututo kang irespeto yung magulang mo at magulang insan mo kasi kahihiyan mo kahihiyan din nila! Ang dami-dami namang iba bakit yung kamag-anak pa diba?

Sana wag mo muna hayaang “mawala ako” bago mo makita yung “Halaga ko”

Kung pagod kana at gusto munang bumitaw make sure na hindi mo na ako mahal, kasi baka dumating yung time na pagsisihan mong ako’y iyong pinakawalan. Tandaan nasa huli ang pagsisisi, kaya huwag sana kayo mga ningas kugon mga boys, kapag nanliligaw lang kayo todo effort (hindi naman pala lahat) kapag sinagot na 1-3 months lang kami papahalagahan kapag nakuha na ang gusto wala na papabayaan na! Huwag ganun Love is not all about sex it’s al about how you treasure each other! ganun (minsan lang ako magenglish kaya pagbigyan niyo na kung mali ang grammar)

(Visited 1 times, 1 visits today)
loading...