THE TRUE MEANING OF BEAUTY


“THE TRUE MEANING OF BEAUTY”

Intro: Kailangan maniwala ka sa sarili mo na maganda ka, hindi mo kailangan ang opinion ng iba bago mo paniwalaan na maganda ka. Huwag mong isipin na pangit ka at huwag ma-discourage sa sinasabi ng iba dahil ang kagandahan ng tao ay iba-iba. Narito ang ilang mga inspiring quotes na magpapaalala sa iyo na ang kagandahan mo ay naiiba sa lahat.

THE TRUE MEANING OF BEAUTY

“Believe in what you are and who you are”

Karamihan sa mga tao ngayon ay may self-confidence na taglay sa kanilang sarili. Kapag tumitingin sila sa salamin lagi nilang sinasabi sa sarili nila ang mga katagang “Ang Ganda Ko”, “Ang Ganda Ko Talaga at Walang makakatalo sa aking kagandahan.” That’s is being what you are and being who you are, lagi mong tinatatak sa sarili mo na maging totoo ka sa iyong sarili. Walang karapatang mang husga ang iba hanggang hindi ka pa nila nakikilala.

“Be contented on what you have”

Marami tayong napapanood at nakikitang mga taong hindi binibigyang halaga ang ipinagkaloob sa kanila. Katulad ng pagpapadagdag sa ilong, pagpapatanggal ng ari, at kung minsan pa’y pinababago nila ang buo nilang katauhan. Hindi nila muna iniisip kung ano ang magiging epekto nito sa kanila. Mas iniisip nila ang mas makakabuti sa kanila na wala namang kasiguraduhan kung makakabuti at kung ano ang ikagaganda nila sa paningin ng iba.

THE TRUE MEANING OF BEAUTY

“Don’t be discouraged on what other people say’s”

Ang mga sinasabi ng ibang tao sa kanilang kapwa ay ang mga salitang ayaw nilang maisabi ng iba sa kanila. Huwag ka nalang magpa-apekto sa kung anoang sasabihin nila tungkol sa’yo. Gawin mo itong motivation para makamit mo ang mga pinapapangarap mo sa buhay. Ang mga salitang iyon ang magiging daan upang patunayan sa kaniila na kaya mo at magtatagumpay ka sa iyong buhay.

“The essence of beauty is being true to you”

Ang pagiging maganda ay hindi lamang sa panloob pati narin sa kalooban ito ay pagpapatunay na totoo ka sa iyong sarili. Kahit na maraming may galit sa’yo dahil hindi mo ginawa ang gusto nilang mangyari. Mas pinipili mo ang magpakatotoo kaysa sa magsinungaling kahit na mayroong mga taong sinusuhulan ka para maging mabuti sila sa paningin ng ibang tao.

“Beauty is your blood not created by others”

Ang kagandahan ay hindi nakukuha sa pamamagitan ng pagpapalit ng iba’t ibang parte ng iyong katawan. Ang kagandahan ay nasa dugo mo na hindi na mo kailangan pang magpabago ng kung ano-ano sa iyong katawan dahil sa kagustuhan mong gumanda ng higit pa.

 

So, that’s all folks. Thank you for visiting this blog site. Want to know more? follow us on our FB page wowganda.com or keep on visiting this blog site.

(Visited 2 times, 2 visits today)