Quotes about beauty


Ang ganda ay nakakapag bigyan pansin sa paningin ng mga tao. Kaya tanggapin natin kung ano ang binigay saatin ng panginoon. Kung tayo ay creative sa ginagawa, magiging maganda ang resulta katulad ng pananamit, paggawa ng projects at pagpapaganda.

Best Inspirational quotes

“Kung gusto mong gumanda mag ayos ka, tingnan mo lahat sila nga nga diba ang cool”

Sa panahon ngayon marami nang babae mahilig mag make-up at pumili ng damit na nagbibibgay pansin sa iba. Para sa mga girls, kung na i-insecure kayo sa sarili nyo. Maraming naman paraan kung paano kayo magiging kapansin pansin ng iba. Alam mo ang higit na nakakadagdag ganda sa lahat ay magiging mabuting puso. Kung ikaw ay mabait at matulungin mapapansin ka na at magugustuhan ka pa. Di ba ang cool?

Quotes about beauty

“Make-up gives you a sense of beauty and confidence”

Bakit isa sa mahalaga mag lagay ng make-up sa mga babae? Siyempre importante din yun para maging presentable tayo kapag may pupuntahan pero kailangan mo rin ilugar. Kapag casual lang kahit simple lang ilagay mo huwag masyadong makapal baka imbis na purihin ka, pagtatawanan ka pa ng iba. Saka kana maglagay ng makapal na make-up kapag nasa prom party. Kaya ang mga babae mahilig mag make-up dahil nakaka enhance ng itsura at nagbibigay ng confidence sa sarili.

Quotes about beauty

“Happiness makes you beautiful smile”

Siyempre kapag masaya ka napapangiti ka. Ito ang pinaka best moment mo kapag nag eenjoy tayo sa life. Minsan lang naman maging masaya eh. Hindi mo ba alam ang palangiti na tao ay nakakapagbigay ng appeal sa iba. Kapag masayahin kang tao. Magkakaroon ka ng sense of humor at maraming friends. Saan ka pa. Nakakadagdag confidence sa sarili yun. Basta think positive lang tayo. Isipin natin na matatapos din ang problema.

Quotes about beauty

“Appreciate your beauty”

Makuntento tayo sa itsura natin dahil ito na tayo eh. Bakit pa ba hindi tatanggapin no? Walang panget sa mundo para sa mga na i-insecure. Pare pareho lang tayo tao at may pagkakaiba. Yung iba kaya naging maganda ang itsura dahil may nilalagay yan sa katawan. Mga pampaputi na lotion,foundation at iba pang pampaganda para maging celebrity look. Tandaan n’yo iba parin ang natural looks.

Quotes about beauty

“Beauty is the best accessories for fashion”

Ang kagandahan ang nakakadagdag ng pansin. Lahat ng tao magkakaiba ang appearance kaya huwag magpabaya sa sarili para hindi maging haggard ang hitsura. Kung gusto mo panatilihin ang ganda. Una sa lahat mag ingat ka sa kalusugan. Kumain ng masustansyang pagkain at mag ehersisyo. Pangalagaan ang sarili para forever young ang looks.

Quotes about beauty

“Simple pero maganda”

Naniniwala tayo sa kasabihan na “simplicity is beauty” karamihan sa mga guy. Gusto nila simple lang ang look mo hindi masyadong bongga na akala mo palagi ka pupunta ng prom. Kapag everyday look kailangan hindi masyadong makapal ang make-up. Light color lang hindi masyadong dark. Matatabunan mo na ang pagiging ikaw kung iniiba mo yung sarili mo. Tandaan, mas nakakaganda ang pagiging simple.

Quotes about beauty

“Sa tingin palang ng iyong mga mata, ang puso ko ay natutuwa”

Minsan ang pag-ibig nagkakaroon ng “love at first sight” tingin palang niya sa’yo parang magugunaw na ang mundo. Minsan ka kapag maganda ang moment nyo. Nagkakaroon pa ng background music na love song. Saan ka pa? Ang pag-ibig palagi nagsisimula sa mata yan. Kapag gusto mo ang isang tao hindi mo maiiwasang tumingin sa kanya. Kapag tumingin din siya sayo. Naku! Ewan ko nalang kung ano reaksyon mo.

Quotes about beauty

“The true beauty is not just the attraction, beauty is in the heart”

Dapat ang kagandahan ay balanse. Hindi lang panlabas meron din sa panloob. Ano pang silbi ng ganda kung panget naman ang ugali? Magiging labas mo niyan kontrabida sa teleserye. Masaya sa pakiramdam kapag maganda ka at mabuting tao. Saan ka pa? E di nasayo na ang lahat. Magiging diyosa ka na niyan. Sana lahat . Hahaha pero nobody perfect maganda ka man o hindi basta mabuti ang iyong kalooban nakaka dagdag points yun.

Quotes about beauty

“Make your own style”

Nakaka boring naman kung paulit ulit nalang ang sinusuot na damit araw-araw. Ang tips lang diyan kung gusto ka mapansin ng iba. Do your own style. Mahalaga din sa appearance ang pagiging fashionista kailangan mo nga lang ibagay sa lugar na pupuntahan mo. Casual o formal man yan, ibahin mo ang style. Sa panahon ngayon pang modern na ang suot hindi na uso ang style maria clara. Kung creative at resourceful ka, madali nalang sayo maghanap ng damit na susuotin mo.

Quotes about beauty

“Just be yourself”

Importante ang pagiging ikaw kaya huwag mong baguhin ang sarili mo para sa iba. Masama ang magpanggap. Dapat confident ka kung sino ka. Kung hindi ka katalinuhan, kagandahan at kagalingan katulad ng iba. Magtiyaga ka lang. Do not compare yourself to others dahil iba ka. Hindi lahat ng tao magkakaparehas. Pantay-pantay lang dapat ang tingin. Huwag maging mapanghusga kung may kakaiba man personality ang isang tao.

(Visited 26 times, 1 visits today)
loading...