MAGANDA KA KAHIT ANONG SABIHIN NG IBA


“MAGANDA KA KAHIT ANONG SABIHIN NG IBA”

Intro: Sa panahon ngayon, mas napapansin ng mga tao yung mga wala sa kanila. Mas iniisip nila yung meron ang iba kaysa sa kung ano ang meron sila. Ito ang ilan sa mga sinasabi ng iba sa ating mga magaganda.

MAGADA KA KAHIT ANONG SABIHIN NG IBA

“Nagmaikli lang ng short, malandi agad?”

Hindi lahat ng mga naka-short malandi, di ba pwedeng naiinitan lang? O kaya naman binabagay lang sa mga sinusuot na damit at kadalasang ginagamit kung may okasyon katulad ng mga Birthday Party na ipinagdiriwang sa beach. Kailangang maibagay ang isusuot sa dadalohang okasyon upang makaiwas sa mga sabi-sabi ng iba. Dito naipapakita ng mga magaganda ang pagiging fashionista nila.

“Marami lang kasamang lalaki, fuck girl agad?”

Ang pagkakaroon ng maraming kaibigan ay hindi pagpapasikat sa mga tao. Ito ay isang paraan upang makilala ng iba’t-ibang taong nakakaharap sa araw-araw. Ang pagpili ng isang kaibigan ay hindi nakabase sa kung ano ang estado nito sa lipunan. Kundi sa kung anong ugali meron ang isang tao. Nakadepende parin ito sa desisyon ng tao kung sino ang kanilang kakaibiganin.

“Nag-ayos lang di na agad kontento?”

Ang pag-aayos, paglalagay ng make-up sa mukha, pagsusuklay ng buhok at ang pagbibihis ng maganda ay hindi nangangahulugang maarte, malandi o hindi kontento sa kung ano ang ibinigay ng ating mahal na Panginoon. Ito ay para mas kaaya-ayang at presentableng tingnan sa harap ng ibang tao.

MAGANDA KA KAHIT ANONG SABIHIN NG IBA

“Nagboyfriend lang, hindi agad makakagraduate?”

Edukasyon ang pinakamahalagang sandata upang makapagtapos ng pag-aaral at makamit ang mga pangarap sa buhay. Hindi natin maiiwasang ma-inlove sa isang lalaking magmamahal sa atin ng lubosan. Ito ay maaaring maging motivation mo sa pag-abot mo ng iyong pangarap. Maaari ring maging distraction kung mas pagtutuunan mo ng pansin ang nagmamahal sa’yo kaysa sa pag-aaral mo, pag-aaral na magtutupad ng lhat ng mga pinapangarap mo sa buhay.

“Sumali lang ng pagent, pasikat agad?”

Ang pagsali sa isang contest ay kahanga-hanga dahil isa itong pagsubok na sinusubukan ka na ilabas ang iyong mga kakayahan. Ang isang halimbawa nito ay ang pagsagot sa tanong, dito hinahasa ang iyong mental capacity. Ang pagsasayaw naman ay ang paghasa ng iyong pisikal na abilidad. Ang pagsali sa ganitong aktibidad ay hindi pagpapasikat ito ay para mailabas lamang ang tunay na kagandahan at mga natatagong mga abilidad.

So, that’s all folks. Thank you for visiting this blog site. Want to know more? Follow us on our FB page wowganda.com or keep on visiting this blog site.

(Visited 2 times, 2 visits today)