“Be Your Own Kind Of Beautiful”


Original is worth more than a copy.

ganda

Binigyan tayo ni God ng sariling ganda na hindi kelangan ikumpara sa iba. Simpleng ayos ay okay na dahil di na naman kelangan ng bongga para masabihan ka ng maganda. Matuto lang tayong makuntento at magpahalaga.Be your own kind of beautiful.

 

GANDA5

Mas maganda talagang tingnan yung babae na maganda na yung panlabas,maganda rin yung panloob. Sila yung mas angat ang ganda para saken. Di na baling hindi kagandahan basta alam natin sa sarili natin na wala tayong tinatapakang tao. Lagi dapat nakatungtong ang paa naten sa lupa. Ang hitsura kasi nawawala yan pagdating ng panahon pero ang ugali nandyan pa din sayo.

ganda8

Mas maganda tingnan mga babaeng masayahin. Nakakawala ng pagod pag nakita mo silang masaya, nakangiti na parang walang bukas kung tumawa. Sila yung mga taong nakakagoodvibes. Kahit na may problema natatabunan ito ng kanilang mukang masayahin. Sabe nga sa quotes beauty might bring happiness but happiness always bring beauty.

ganda6

Isa ang pimples sa problema ng mga kabataan ngayon. Nahihiya at nawawalan ng confidence sa kanilang sarili. Kahit na may pimples dapat may tiwala ka pa rin sa sarili na mo. Taas noong ipakita ang ganda dahil di naman hadlang ang may pimples para panghinaan ng loob. Sabi nga nila everyone deserve to feel beautiful.

ganda7

Maganda pa rin yung babaeng simple lang. Kahit powder lang okay na sa kanya. May mga babae kasing hindi maka alis ng walang makeup sa kanilang mukha. Hindi sila kontento pag hindi naka pag lagay nito. Lagi nateng tandaan na simplicity is beauty and beauty  is in the eye of the beholder. Pero pang tayo ay may trabaho na matuto tayong mag ayos ng na aayon sa ating mukha.

ganda10

May mga tao talagang mapanghusga. Nangingialam ng may buhay ng may buhay. Kung mataba man ang isang tao ibig sabihin malusog sila at dahilan daw ng pagiging masaya nila sa buhay. Hindi naman dapat husgahan ang kanilang katawan o pagiging mataba lalo na kung hindi naman tayo pinapakialaman at higit sa lahat hindi ka naman niya pakain.

ganda11

Wag tayong papayag na sabihan tayo ng hindi maganda ng dahil lang sa hitsura o di nila tayo kilala. Lahat tayo ay ginawa ng Diyos ng may taglay nating ganda. Hindi ka man gusto ng ibang tao hindi rason ito para panghinaan ka ng loob. Ang mahalaga ay nagpapakatotoo tayo, hindi nagkukunware sa sarili natin at wala tayong ginagawang mali sa mga taong magpanglait na akala mo naman sila ay perfect. Sabi nga nila “We don’t need to be perfect, just to be real”

 

ganda14

Ang tagumpay ay makakamit ng isang taong may tiwala sa sarili  niyang kakayahan. Pag may tiwala tayo sa sarili magandang kinabuksan ang ating mararanasan. Hindi purket nag kamali tayo ay susuko na. Lahat tayo ay may pagsubok sa buhay. Hindi ito ibibigay ni Lord kung alam niyang hindi natin ito malalampasan. Kaya laban lang ng laban hanggat may bukas may pag asa hanggat makamit ang magandang buhay.

 

ganda13

Bawat kasama natin ang mahal sa buhay kaylangan natin itong enjoyin. Katulad ng friends o family outing,wag nating dalhin ang problema iwan natin ito sa bahay at tayo ay mag enjoy kasama ang mahal natin sa buhay dahil minsan di natin alam kung makakasama pa natin sila. Masarap sa pakiramdam ang walang iniisip kundi ang magsaya lang kahit pansamantala.

ganda15

Meron naman talaga tayong taglay na ganda na binigay ni Lord, ma pa hitsura o ugali man ito. Pero may mga taong hindi nila nakikita ito o hindi  nila na aappreciate. Sa mundong ating ginagalawan marami ang nakikita mali kesa tama. Pag nakagawa man tayo ng mabuti masama pa rin yung nakikita nila. Ganun pa man mas pagbutihan pa rin natin maging mabait, magalang  at may tiwala sa Diyos.

 

(Visited 8 times, 1 visits today)
loading...