Ikaw Na Nga…


you

Ikaw Na Nga…

“Ikaw na nga”. Madalas itong mabanggit kapag nakita nya sa’yo ang lahat ng hinahanap nya sa isang tao. Minsan nga naiuugnay pa nila ito sa sinasabi nilang destiny. Minsan din humahantong ito sa eksenang gagawin nya ang lahat para lang mapasakanya ka…

Hindi lahat ng kagandahan nakikita ng iba. Yung ilan ikaw lang talaga ang nakakita.

Hindi mo naman na kailangang magpakamake-up para lang masabing maganda ka. Maging totoo ka lang sa sarili mo at ipakita mo ang natural na ikaw dahil tandaan mo walang nilang ang Diyos na pangit sa mundo, tao lang ang nagsasabi ng pangit.

Ano ang madalas na sikreto ng magbestfriend? Yung feeling na mahal mo na sya pero natatakot ka sa magiging reaksyon nya pag-umamin ka na…

Maraming dahilan kung bakit ikaw mismo ay hindi na mapigilang ma-inlove sa bestfriend mo. Ilan nga dito ay dahil mas kilala na nya ang ugali mo, mas naaappreciate n’yo ang good at bad-side ng isat-isa at lalong-lalo na dahil mas gumaganda sya sa’yong paningin kapag lagi kayong magkasama.

pain

Kung nasaktan ka wag kang mag-alala. Tanda yan na hindi ka manhid.

Sa pag-ibig hindi maiiwasang may nasasaktan at kung pauli’t-ulit ka nang nasasaktan matuto ka nang bumitaw dahil tanda na yan na hindi sya para sa’yo at hindi naman para sa kanya ang pag-ibig mo.

relasyon

Relasyon! Parang panahon lang yan minsan umuulan ng luha, minsan naman malamig na pagsasama. Pero ang pinakamahalaga ay ang mainit na pagmamahalan.

Ang tunay na pagmamahal ay lalong tumitibay kapag nadadaan sa mahihirap na sitwasyon, nasusulusyonan, nagpapatuloy, at  hindi agad-agad sumussuko. Dahil ang TRUE LOVE ay hindi pansamantala kung di pang matagalan.

maning-money

Maning-MONEY lang

Ang buhay ngayon, walang kwenta kung wala kang pera. Halos lahat na lang may bayad, may  presyo kay’t kung may gusto kang bagay mangarap ka, magsikap ka, magtrabaho ka, at kapag kumikita ka na mag-ipon ka dahil ang pera mas mabilis pang nauubos kaysa pasensya.

Nagplano ka may natupad ba?

Kung minsan may mga hindi inaasahan pangyayaring na kahit hindi mo sinadya ay hindi mo rin maiiwasan. Parang pag-ibig lang yan kusang dumarating. Malalaman mo na lang in love ka na. Ang magagawa mo na lang ay maging matalino sa lahat ng bagay. Alamin kung ano ang tama at mali, at nang sa huli walang kang mapagsisihan.

Mabuti pa si Google ang bilis makapick-up, ikaw ang slow mo….

May mga babaeng ang bagal makaintindi. Pinaramdam mo ng mahal mo sya, tinitigan mo na sya ng mata sa mata, sinabi mo nang lahat ng mga alam mong hugot lines pero di pa rin nya ma-gets ang feeling mo para sa kanya.

(Visited 1 times, 1 visits today)
loading...