Hugot at Patama Quotes ng Mga Babae


Bakit nga sa tuwing manliligaw ang mga boys, lagi na lang tumitingin sa itsura? Lahat ba ng bagay nakukuha sa ganda? Hindi naman, ‘di ba? Alam n’yo mga boys, wag kayong masyadong choosy, lalo na kung di naman kayo kagandahang lalaki. Hindi lang naman kasi itsura ang dapat ninyong tingnan sa aming mga babae. Hindi kami wallflower para ipang – display sa tuwing magyayabangan kayo ng mga barkada nyo.

Pero kung tutuusin, lahat naman ng babae ay may itinatagong ganda, mas pinili lang talaga itago yun para mag – effort ang mga lalaki para lang yun makita. Saka tandaan, “ang ganda ay kung paano mo nakikita”, hindi yung “gusto mong makita.”

Ang ganda naman kasi, mas nakikita yan sa nilalaman ng damdamin ng isang babae. Maganda nga ‘yung dyowa mo, malandi naman. Mas mabuti pa yung simple lang, tapat naman. At saka kung talagang mahal mo ang isang babae, magiging maganda sya sa paningin mo, anuman ang suot o itsura nya.

 Patama Quotes1.Yung kahit nakita na niya lahat ng panget at mali sayo, nandyan pa rin siya. Ikaw pa rin ang pipiliin niyang mahalin at makasama.

 

Masarap mahalin yung lalaking, kahit na makita nya lahat ng masasamang ugali ng isang babae, mahal pa din nya ‘to at di nagbabago ang nararamdaman nya. Para kasi sa isang babae, hindi mahalaga kung gusto mo siya, mas mahalaga yung tanggap mo siya.

 Patama Quotes2.Wag mo ako ligawan nang dahil lang sa itsura ko. Ligawan mo ako dahil TANGGAP mo kung ano at kung sino ako.

 

Wag kang manligaw sa isang babae dahil lang sa ganda ng itsura nya. Mas okay kung liligawan mo siya dahil kahit alam mo ang mga bad sides nya at ang nakaraan nya, handa ka pang tanggapin siya at mahalin sya sa kung anong meron sya.

 Patama Quotes3.Gusto ko yung taong kahit inaaway ko ng walang dahilan yayakapin ako at sasabihin: “Halika nga dito, nababaliw ka na naman.”

 

Ang sarap sa pakiramdam na kahit inaaway natin ang mga bf natin kahit wala namang dahilan, hindi sila nagagalit kundi sumasakay lang sa trip natin. Yung naiintindihan nya kahit yung topak natin, at alam na alam nya kung pano tayo susuyuin.

 Patama Quotes4.Makulit ang mga babae, mainitin ang ulo, madalas pabago-bago ng isip. Pero kahit ganyan yan, mamimis mo rin yan pag umalis na siya sa buhay mo.

 

Wag mong basta basta iiwan ang isang babae once na makita mo yung mga ugali nya na di mo inaasahang mayroon siya. Marami kasi talaga sa mga babae ang moody. Natural na sa amin yan. Ikaw din, baka ikaw din ang magsisi sa huli pag nawala sayo yung taong mahal mo.

 Patama Quotes5.Dear Boys, kapag may gf na kayo, wag na kayo maghanap pa ng bestfriend na babae.

 

At kayong mga lalaki kayo, wag kayong masyadong malandi. Daig nyo pa kami minsan e. tandaan ninyo na napakaselosa naming mga babae. Kaya kung may gf na kayo, huwag na huwag nyong sasabihin na bestfriend nyo lang ang isang babae. Hindi kapani – paniwala. Saka hindi lang naman kami GF para maging karelasyon. Tinawag kaming girl”FRIEND” para kami yung maging “BEST”friend nyo. Gets mo?

 Patama Quotes6.Kapag pinagluto ka ng babae, ibig sabihin “espesyal at mahalaga” ka sa kanya.

 

Kahit na sabihing, babae kami kaya dapat marunong kami magluto, minsan lang talaga namin ipagluto yung taong espesyal sa amin. At once na ipagluto namin sya, it means na importante sya at handa kaming gawin lahat para sa kanya, kahit gawaing – bahay pa. Housewife lang ang peg ‘te…

 Patama Quotes7.Simpleng boyfriend lang naman ang gusto ko. Yung tipong hindi madaling magsawa kahit minsan lang kami magkita.

 

Alam naman namin kung gaano ka – importante sa mga lalaki yung gusto nilang palaging nakikita at nakakasama ang girlfriend nila. Pero sana maintindihan ng mga boys na hindi naman pwedeng ganun. May mga responsibilidad din naman kasi kami bilang mga anak ng magulang namin. Kaya intindihin nyo na lang ang mga gf nyo kung di nyo sila masyadong nakakasama. Huwag na huwag kayong magsasawa agad at maghanap ng iba. Ipakita nyo kung gano nyo sila kamahal kahit minsan wala silang time para sa inyo.

 Patama Quotes8.Nature na ng mga babae ang magduda kahit sa maliliit na bagay lang.

 

Ugali na talaga naming mga babae ang magduda, ayaw kasi naming maloko at masaktan ng mga taong mahal namin. Kaya kahit sobrang liit lang na bagay, pinagdududahan na namin. Madalas kasi, tama ang mga duda namin. Kaya mag – ingat kayo palagi, mga boys.

 Patama Quotes

9.Minsan kung sino pa yung rason kung bakit ka masaya, siya rin yung dahilan kung bakit masasaktan ka ng sobra.

 

Sobra – sobra kasi kung magmahal ang mga babae. Lahat kayang ibigay, lahat kayang isugal, wag lang tayong masaktan at maiwan. Pero minsan talaga, kung sino pa yung minamahal natin at pinagbigyan natin ng lahat lahat, sila pa rin ang magiging dahilan kung bakit tayo nasasaktan lalo na kung di nila tayo kayang pahalagahan at basta na lang tayo iiwanan.

 Patama Quotes10.Pag tinanong ka ng babae, huwag kang magsinungaling. Kasi malaki ang posibilidad na alam na niya ang totoo.

 

Kung tanungin ka ng isang babae tungkol sa isang bagay, sabihin mo na lang ang totoo at wag ka ng magsinungaling. Naaamoy kasi namin kapag nagsisinungaling ang mga bf namin, (hindi, joke lang..hehehe…) pero seryoso, madali naming mabasa sa tao kung nagsisinungaling sila sa amin. Kaya pag tinanong ka ng gf mo, magsabi ka na lang ng totoo, minsan kasi, alam na n’ya yung sagot sa itatanong nya sayo. Baka hindi mo alam, nakita ka nya at alam nya yung mga ginawa mo, bago pa kayo magkita.

(Visited 182 times, 4 visits today)