Ang Tunay na Maganda


Paano nga ba natin masasabi na maganda ang isang tao? Nakabase ba yun sa tangos ng ilong niya? O di kaya, sa kutis ba nakikita? Marami sa mga lalaki ngayon na kapag manliligaw, masyadong choosy. Kailangan ganito, kailangan ganyan. Nasanay kasi tayo na panlabas lang ang tinitingnan. Pero tanong lang, sa ganda ba talaga dapat ibinabase ang pagiging masaya?

Tunay na Maganda

  1. Ang tunay na maganda simple kung pumorma, hindi yung kapag nagsusuot ng damit labas pati ang kaluluwa.

Hindi mo naman kailangang magsuot ng kung anu – anong uri ng damit ‘te. Minsan, confidence lang ang kailangan. Hindi mo ikinaganda ang pagsusuot ng mga damit na halos wala ka ng itinatago. Daig mo pa ang mga babaeng nagpapaupa kapag ganyan ang ginawa mo.

Tunay na Maganda

  1. Ang tunay na maganda hindi takot tumaba.

Huwag kang matakot na masabihan na mataba. Kung totoong kaibigan ang nakapalibot sa iyo, tatanggapin ka nila, anuman ang itsura mo. Normal lang maging mataba. Ang hindi normal ay yung pagiging mapang – lait ng ibang tao sa paligid mo.

Tunay na Maganda

  1. Ang tunay na maganda hindi ginagawang coloring book ang mukha.

Kung maganda ka talaga, di mo na kailangang maglagay ng kung anu – ano pang kolorete sa mukha. Aanhin mo pa ang ganda, kung sa make mo naman kinuha? Paano kung bigla kang pawisan? Baka magmukha ka lang horror story nyan.

Tunay na Maganda

  1. Ang tunay na maganda hindi takot magselfie kahit hindi pa nakakaligo 🙂 selfie everywhere!

kung hindi ka takot malait ng iba, dahil napakaganda ng tingin mo sa sarili mo, why don’t you try taking a selfie pagkagising? Yung “totoong” woke up like this pose. Hindi yung naka – tag ng woke up like this, halata namang nakamake – up ka at pormado pa.

Tunay na Maganda

  1. Ang tunay na maganda, napapansin, hindi nagpapapansin.

Kung maganda ka talaga, hindi mo na kailangang gumawa ng kung anu – anong bagay para lang mapansin ka. Di mo na din kailangang ishout out sa mundo o i – post sa account mo na ang ganda – ganda mo. Hayaan mong ang mga taong nakakakita sa’yo ang magsabi noon.

Tunay na Maganda

  1. Kung talagang maganda ka, hindi mo na kailangang mang-agaw ng boyfriend ng iba.

Malandi lang ang nang – aagaw, kung talagang maganda ka, hayaan mong ang mga lalaki ang maghabol sa’yo. Hindi mo na kailangang maghabol sa mga lalaki, lalo na kung taken na sila. Kung maganda ka talaga, hindi ka mawawalan ng manliligaw. Mamili ka na lang sa kanila.

Tunay na Maganda

  1. Ang tunay na maganda ngiti pa lang pamatay na. Ang feeling maganda ngiti pa lang mapapatay mo na.

Kung sa simpleng ngiti mo pa lang, ang dami – dami ng nagkakandarapa sa’yo, matuwa ka ‘te. Ibig sabihin lang nun, may mai – pagmamalaki ka. Nakaka – fall kasi talaga kung ang ngiti ng babae ay totoo at walang halong pagyayabang o panglalait sa kapwa.

Tunay na Maganda

  1. Ang tunay na maganda hindi takot umitim at ang tunay na sexy malakas kumain.

Black is beautiful. Kailangan lang maging proud ka sa kulay mo. Hindi naman porke’t maputi ka ay maganda ka na, minsan, anemic lang talaga. At kung totoong sexy ka, di ka mamomroblema sa diet mo. Hindi naman kasi talaga kulay at sukat ang basehan ng pagiging maganda. Nakabase din yun minsan sa kung paano ka nila nakikita. Beauty is in the eye of the beholder, sabi nga.

Tunay na Maganda

  1. Ang tunay na maganda, pulbo at lipstick lang, sapat na.

Mas maganda nga raw yung gandang natural. Yung di mo na kailangan ng kung anu – ano pang pampaganda sa mukha. Minsan mas okay na yung maglagay ka lang ng pulbo at lipstick, kesa maglagay ka ng sobrang kapal na make – up sa mukha dahil baka sa halip na magmukha kang maganda, mas magmukha ka bang bakla.

Tunay na Maganda

  1. Ang tunay na maganda Sa Ugali mo makikita Hindi sa makapal na make-up at maiikling shorts.

Kung gusto mo talagang maging maging maganda, hindi mo na kailangan ng kahit na anong pang lagay sa mukha. Di mo na din kailangang magsuot ng maiigsing damit para lang mapansin ka at pagpiyestahan ng mga lalaki. Kasi, at the end of the day, hindi naman yung kagandahan mo ang hinahangaan nila. Pinagpipiyestahan ka lang nila para makatsansing sila. Kung gusto mo talagang maging maganda. Ipakita mo na lang sa gawa. Minsan, mas okay makita yung magandang ugali kaysa sa magandang mukha.

(Visited 389 times, 25 visits today)