Ang hot ko kase!


hot

Ang hot ko kase!
May mga taong ang taas-taas ng tingin sa sarili nila. Ang iba naman kapag sinabi ang mga katagang ito, ang malimit nilang sagot sayo ay “Ang kapal”. Ito ay tumutukoy sa pisikal na anyo at madalas naman ay sa dating o pagdadala sa sarili. Hindi rin naman ito masama dahil tanda rin ito ng iyong mataas na kompyansa sa sarili o kaya’y pagpapakita kung gaano ka katatag.

 

Paano magdiet? Iwasang pumunta at dumalaw sa kusina. Kung hindi ka naman marunong magluto dahil mas nakakagutom pag puro na lang tikim.
Sabi nga nila wala namang madaling gawin. Wala namang ginustong agad-agad nangyayare. Lahat ay natutupad kapag pinagsisiskapan, kapag pinagpaplanuhang mabuti at ng sa huli ang ninanais ang kahit kaunti ay magyare at hindi ang pagsisisi.
Ikaw ba, kaylan ka nakuntento sa patikim-tikim lang? Di ba yung pakiramdam mo na sa patikim-tikim mo lalo ka lang nagutom. Ang nangyare kase nabitin ka, at dahil nabitin ka hinahanap-hanap mo na tuloy. Sa nagdadiet, ang disiplina sa sarili ang numero unong problema ay baguhin kung ano ang iyo mismong nakasanayan. Alam din naman natin ang ang mga Pilipino ay talagang mahilig kumain…
.
.
.
KUMAIN…..NG KUMAIN.
Alam kong bawal. Alam kong masama. Pero anong magagawa ko nakakagutom ehh.
Tao lang naman ako minsan natutukso rin. Ika nga nila kapag nasaktan o nakasakit ka. Ikain mon a lang. At least hindi ka gutom dahil ang mas masama ay ang magpalipas ng gutom. Nakakahilo, nakakasakit, at minsan nakapayat…
Bawat bagay ay mahalaga. Hindi mo lang nakikita dahil hindi pa nawawala.
Bawat nilalang sa mundo ay may kanya-kanyang layunin, halaga, at misyon sa buhay natin. Nasa iyo na lang kung papaano mo sila bibigyan na importansya. Hindi mo man ngayon naiittindihan, sa oras na mawala na sya doon mo rin lang maiisip at maaalala ang mga alaalang hindi mo rin aakalaing naging malaking bahagi nang kung sino at kung ano ka ngayon.
Ang hirap maghabol sa taong kahit na kaylan ay hindi hihinto pa lang ikaw ay salubungin at sasabayan sa iyong nararamdaman.
Sa isang relasyon mayroon talagang taong umaasa at taong paasa. Kung ikaw man ang umaasa. Parati mong iparamdam kung gaano sya kahalaga. Tandaan mo “Pag may tyaga, may BIYAYA.” Kung ikaw naman ang paasa. Aba hoy! Tandaan mo, ang ginhawa sa buhay mas nararamdam kapag lahat masaya. Isa pa, parating kasama ni ginhawa si karma. Si karma mas masakit lalo na kapag nag-iisa ka.
Ang masakit na hugot sa lahat, eh yung paghugot mo ng wallet mo walang laman.
Hahahah… kung minsan ganyan talaga. Ang problema kung minsan madalas nating tinatawanan. Yan ang unang-una nating ginagawa dahil mas nakakaisip tayo ng mabisang solusyon kapag nasa ayos o kalmado ang ating isipan.
Hindi ko lang alam kung naranasan nyo na rin ang ganito.
Minsan sa buhay estudyante. Kapag bagong padala palang sayo ng magulang mo. Ehhh… hindi mo naiintindi kung papaano mo hahati-hatiin at titipirin ang perang iyon. Minsan naman napapagastos ka nang soba-sobra. Ni hindi mo na namamalayan na mabilis mon ang nauubos ang pera naipadala sayo. At isang araw, pagbukas mo nang wallet mo ehh kung hindi iisang papel na lang o puro barya na lang ang natira sayo…. Nakakagulat di ba pero yan ang katotohanan at ang katotohanan ang sasampal sayo at magtuturo sayo nang isa sa kahalagahan ng pagiging matalino sa lahat ng bagay, lalong-lalo na sa pag-alaala sa nakaraan, pag-sasaayos nang kasalukuyan at paghahanda sa hinaharap…di ba.

 

money
Ang pagibig parang ebolusyon ng pera
ginto, pilak, tanso = totoo at puro
papel at barya = madaling mapunit at maubos
credit card = plastic
Ang pag-ibig ay parang isang test. Ang malaman ang pagkakaiba nang totoo at peke. Sa isang relasyon, hindi lang dapat puro damdamin. Tandaan matalo man ng puso ang isip, hindi pa rin nya malalampasan ang pakiramdam.

 

rem
It’s hard to forget someone who gave you so much to remember.
Kung minsan talaga kahit ayaw mo man syang bitawan, wala ka nang magagawa kung sya na mismo ang syang umayaw. At kahit dumaan man ang mahabang panahon, naroon pa rin sya na parang pusod na tanda ng iyong kahapon at dahilan nang iyong kasalukuyan.
Sa isang relasyon na pinaghiwalay nang sitwasyon. Hindi masama ang maghanap nang bago, lalo na kung ito ang mas makakabuti para sa’yo at sa kanya pero ang hwag makakalimot sa inyong nakaraan. Nakaraang magtuturo rin sa inyo kung papaano malampasan ang sitwasyong hindi nyo noon nagawang solusyonan.
Maglaro tayo kahit na ano,wag lang taguan, dahil ang SOMEONE like YOU is HARD to FIND.
Kapag natagpuan mo na ang iyong DESTINY hwag mo na syang pakawala. Matuto kang pahalagahan ang kung anong meron kayo at nang sa dulo ay wala kang pagsisihan.

 

ipa
Hwag mong gawing soccer ang PAG-IBIG na matapos mong sipain ay saka mo hahabulin
Kung talagang mahal mo sya wag mo na syang paikut-ikutin pa, dahil kapag sya na ang nagsawa at sumuko mahihirapan ka ng suyuin sya. Baka dumating ng panahon, sa iba nya makita ang pagmamahal na hinahanap nya sayo.

 

wala

You know what hurts so much? It’s when someone made you feel special yesterday, but makes you feel like you’re a nobody today.
Sabi nga nila wala talagang FOREVER… Bakit? Dahil nagbabago ang panahon, patuloy na dumadaloy ang panahon. Maaring mahal ka nya noon pero kung ikaw mismo walang maipapakita sa kanyang pagbabago, maaring sya ang magpakita sayo ng pagbabago na hindi mo magugustuhan.

(Visited 1 times, 1 visits today)
loading...