10 INSPIRATIONAL QUOTES ABOUT YOURSELF


“10 INSPIRATIONAL QUOTES ABOUT YOURSELF”

Intro: Pagpapakatotoo. Isang salitang dapat taglayin ng isang tao kung sino man sila. Kailangan din nilang i-apply ito sa kanilang mga sarili, dahil kung maisasagawa mo ito sa iyong buhay pinapatunayan lang nito na totoo ka at hindi plastic na itatapon lang pagkatapos gamitin ng iba.

10 INSPIRATIONAL QUOTES ABOUT YOURSELF

“I am not beautiful like you, I am beautiful like me”

Hindi natin ma-iiwasang ikumpara ang ating sarili sa iba at mapuna natin kung ano-ano ang mga kaya niyang gawain na hindi mo kayang gawin, mga katangian na taglay niya na hindi ipinagkaloob sayo. Kaya maging kontento ka sa kung ano ang ibinigay sayo.  Alagan mo ang ipinagkaloob sayo at ang mga taglay mo na hindi tinataglay ng ibang tao.

“Self-confidence is the best outfit, rock it and own it”

Ang pagharap sa maraming tao ay napakahirap dahil hindi mo pa sila kayang harapin. Maari rin namang hindi pa na-build ang iyong confidence. Pero mas kailangan mo ito upang magkaroon ka ng communication sa ibang tao. Kung lalakasan mo ang iyong ito’y magiging daan upang upang mas makilala ka ng ibang tao.

10 INSPIRATIONAL QUOTES ABOUT YOURSELF

“Be proud of who you are and not ashamed of how others see you”

Sa buhay natin mayroon tayong mga gusting gawin na hindi nagagawa ng ibang tao. Huwag mong ikahiya kung sino ka ano ang kalagayan mo sa lipinan. Dahil kung paiiralin mo ang ganitong ugali parang ipinaparating mo sa iyong kapwa na mas magaling sila sayo. Kailangan ipagmalaki mo kung ano ang kaya mong gawin at maging proud ka sa kung ano ang ginawa mo.

“It is not what you are that holds you back; it is what you think you are not”

Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kaya mong gawin ang isang bagay na walang tulong ng iba. Sabihin na nating kaya natin, pero hindi parin natin ma-iiwasang magkaroon ng isang pagkakamali sa ating mga ginagawa. Mayroong mga taong laging sumusuporta sa’yo upang magawa mo ito ng naaayon at tama. Sila ang iyong sandalan at nagbibigay katatagan sa iyong sarili upang makamit mo ang iyong inaasam sa buhay.

10 INSPIRATIONAL QUOTES ABOUT YOURSELF

“My imperfections make beautiful”

Ang pagkakamali ay hindi kasiraan sa buhay sa halip ito’y daan upang maabot mo ang tagumpay sa buhay. Isang halimbawa, ang paggawa ng isang proyekto na nagkaroon ng maraming pagkakamali na napuna ng iyong guro. Kaya ang pagkakamali na nakuha mo sa iyong unang ginawa ay magiging daan upang magawa mo itong tama at maganda sa paningin ng iba.

“Be yourself; because an original is worth more than a copy”

Minsan na-iisip natin na ang ating sarili ay hindi pa kumpleto. Ang panggagaya sa isang tao ay isang simbolo na hindi ka kontento sa iyong sarili. Mas gusto mo pa na manggaya ng isang tao kung ano ang kaya nitong gawin. Upang mapatunayan sa lahat na kaya mo ring gawin ang ganitong bagay. Pero mas maganda parin ang kakayahan ng isang walang ginagaya.

10 INSPIRATIONAL QUOTES ABOUT YOURSELF

“Learn to master your emotions”

Emotions ang nakakaapekto sa ating buhay. Sa trabaho, nagkaroon ng problema sa inyong pamilya at masyado kang nasaktan sa mga pangyayari hindi mo namamalayan na napapagsama-sama mo na ang iyong personal na buhay sa iyong tabaho at napakalaki ng impact nito sa iyong buhay. Lagi nating tatandaaan na paghiwalayin ang personal na buhay sa iyong trabaho dahil maaring malaki ang magiging epekto nito sa iyong trabaho.

“It doesn’t have to be perfect to be wonderful”

Hindi mo kailangang maging perpekto para mapansin ka ng iba, purihin ka at maging maganda ang iyong imahe sa ibang tao. Kung nagkamali ka man meron ka pang kakayahang maitama ito at maibahagi ito ng maayos sa ibang taong gumagabay sa atin at sumusuporta.

10 INSPIRATIONAL QUOTES ABOUT YOURSELF

“Forgive yourself. Not just once. As many times as it takes to find what you want”

Kadalasan sa pagkakamali tayo natututo. Ito ang nagiging dahilan kung bakit natin mas na papalawig ang ating mga nasimulan. Kung nagkamali ka man matututo kang patawarin ang iyong sarili, kung hindi mo nakamit ang iyong mga goals. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay lagi kang tama kaya matuto kang tanggapin ito at magsimula ng panibagong yugto.

“Confidence is not “They will like me.” Confidence is “I’ll be fine if they don’t”

Sa buhay, hindi natin masasabi na gusto ka o hindi ka gusto ng isang tao. Ang pagiging confident mo sa iyong sarili ay ang sa tingin mong paraan para magustuhan ka ng mga tao pero nagkakamali ka, ang pagiging confident mo ay nakasalalay kung kontento ka sa kung ano ang nagustuhan sa’yo ng ibang tao. Masaya ka kahit hindi ka nagustuhan nila dahil ginawa mo naman ang best mo para sa kanila at para sa sarili mo.

 

So, that’s all folks. Thank you for visiting this blog site. Want to know more? follow us on our FB page wowganda.com or keep on visiting this blog site.

(Visited 1 times, 1 visits today)