10 Facts About Girls That Guy Should Know


Ang mga babae ay may mga katauhan na hindi nalalaman ng mga kalalakihan, sapagkat tulad nating mga lalaki itinatago din nila ang kanilang damdamin tanging siya lang at ang itinuturing niyang bestfriend ang nakakaalam ng kanilang tunay na nararamdaman. Ganon kasi ang mga babae humahanap sila ng mapaglalabasan ng sama ng loob makikita mo nalang ito sa pamamagitan ng pabago-bago nila mood. narito ang ilang pagkakakilanlan ng babae.
Girls have Changeable Moods
“Girls have changeable moods”

Karamihan sa lalaki ay naiinis sa pabago-bagong mood ng babae, gusto ninyo ba malaman kung bakit sila ganun? Una tampo gusto nila na lambingin sila, ikalawa galit ayaw nilang nakikipagusapkayong mga lalaki sa iba lalo na sa babae or me rule sila na nalabag mo, at ikatlo kawalan ng oras sa kanya sigurado nahindi ka niya papansinin hanggat hindi ka nagpapaliwanag. Ngayong alam mo na? kung me gagawin matuto magpaalam, at umiwas sa mga bagay na ayaw niya na gawin mo kung mahal mo unawain mo, hindi ung pag galit sia mas galit kapa, pagtampo sya magtatampo kadin at higit sa lahat paghindi ka niya pinansin hahayaan mo nalang sya. Matuto makiramdam sa damdamin ng babae sapagkat nilika sila upang alagaan ng mga lalaki.

“Girls are physically weaker than guys but emotionally stronger when problem arise.”

Tunay ngang ang babae ay mahina physically, nakakainis nga eh! mababalitaan mo araw araw na may babaeng patuloy na sinasaktan ng mga lalaki hindi lang physically but also emotionally. Kay sakit isiping na gayong nila ituring ang mga babae, ngunit gayon pa man alam ninyo ba na napakabuti ng kalooban ng babae? Sapagkat kahit ganon ang ginagawa sa kanila lagi silang positibo magisip. Sa oras ng problema hindi sila tutunganga lang gumagawa sila ng paraan upang maayos agad at hindi na ito lumaki pa.

“Girls murmur a lot or make tantrums when they get irritated. They can control their emotion but not their temper.”

Alam ko naman na alam ninyo na ang mga babae ay madaling mairita, mainis, magalit at syempre madali naman silang suyuin. Kasi kahit gaano ninyo sila sinasaktang mga lalaki emotional kaya nilang kontrolin ngunit lahat tayo ay may kanya- kanyang limit diba? Hindi palibhasa mahal ka ng babae sasaktan mo na lagi, at hindi palibhasa alam mo na gagawin nia lahat para sayo pagmumukain mo na syang tanga.

When a girl say she's sad but isn't crying, it mean she's crying in her heart.

“When a girl says she’s sad but isn’t crying, it means she’s crying in her heart.”

Madalas sinasabi ng babae ang kanilang nararamdaman, ngunit hindi mo mahahalata sa kanyang emosyon. Mahilig din kasi sila magtago ng kanilang nararamdaman pero hindi tulad ng mga lalaki na hindi kayang ipagtapat. Narinig mo narin ba ang mga katagang “nasasaktan ako, malungkot ako at hindi ko kaya na wala sya”? iilan lang yan sa mga damdaming kanilang itinatago sa likod ng maskara ngunit deep inside halos ikamatay na nila. Kung sakaling ikaw ang pinalad na tao na mapagtapatan niya ng kanyang problema matuto ka icomport sya, kasi kailangan nila ng masasandalan sa oras ng kalungkutan.

“Girls love to feel special, even though they might not show it.”

Lahat ng babae nais na ituring silang tulad ng isang prinsesa ngunit hindi nila ito sinasabi, alam mo ba kung bakit? Kasi gusto nila kusa itong ginagawa para sa kanila ayaw nila na gagawin mo lang ito dahil sa sinabi nia. Gusto nila itest kung gaano mo sila kamahal, kung gano ninyo sila pinapahalagahan at nais nila malaman kung seryoso talaga kayo sa kanila.

“Don’t touch my hair, face, phone or boyfriend”

Coolest thing na gusto ko sa mga babae territorial sila gusto nila ang kanila ay kanila ayaw nila ng kaagaw , ayaw nila ng me kahati lalo na sa boyfriend nila. Handa silang makipagaway para sa taong mahal nila, ganon kasi sila magmahal ayaw nila na me umaaligid sa boyfriend nila madali sila magselos. Kaya ikaw lalaki kung me girlfriend ka iwas-iwas sa babae para rin sa relationship niyo, iparamdam mo at ipakita mo sa kanya na mapagkakatiwalaan ka niya sa lahat ng oras at sa lahat ng bagay.

COLD AS ICE BUT IN RIGHT HANDS SHE MELT

“Cold as ice but in right hands she melts.”

karamihan sa babae ay ayaw magboyfriend alam ninyo ba kung bakit? Ayaw nila masaktan, takot sila na iwan, ayaw nilang umasa sa wala at ayaw nila magmukang tanga. Hindi naman sila manhid naniniguro lang sila, hinahanap nila ung tamang panahon at tamang taong pagkakatiwalaan nila ng panghabang buhay.

“A girl should be like a butterfly pretty to see hard to catch.”

Sa totoo lang ang dali ligawan ng babae kasi madali sila mafall, kaya nga lagi sila naloloko eh sa kasamaang palad gumaganti sila. Mas ayos pa nga noong unang panahon pinapahalagahan ang babae, kung gusto mo ligawan kailangan mo pa pagsilbihan sa panahon kasi ngayon kanting lambing mo lang sa text makukuha muna.

“Beauty isn’t about pretty face, it’s about having pretty mind, pretty heart and pretty soul.”

bakit kaya ang mga lalaki mas naaattract sa physical appearance ? ano ba habol nila ang makascore? Hindi naman nilikha ang babae para parausan ninyo lang mga lalaki may mga damdamin din sila hindi sila laruan na pwede mo damputin kung nais mo at itatapon mo pagsawa kana .

“If at first you don’t succeed fix your ponytail and try again”

isa ito sa magandang katangian ng mga babae, hindi sila madaling sumuko nd sila nakokontento sa kung ano kaya nila abutin they dream higher than the sky and deeper than the ocean. Lagi silang positibo na harapin ang kanilang mga kahinaan, problema at heartbreaks.

“Maraming salamat sa patuloy ninyong pagsuporta at sa patuloy na pagsubaybay ! Gusto nyo pa bang malaman napakaraming damdamin ng mga babae. Araw-araw lang bumisita sa aming Blogsite para sa mga bago at latest ng post namin at syempre wag na wag kakalimutang bumisita din sa aming FB Page na wowganda.com”

Then Please Like and Share Thank You!

(Visited 3 times, 3 visits today)