Best Inspirational quotes


Maraming nagsasabing madaling maging tao pero mahirap magpakatao dahil hindi tayo perpekto dahil alam natin sa sarili na lahat tayo ay nagkakamali. Ano ba ang dahilan kung bakit tayo nagkakamali? Hindi ba sa pamilya, sa paaralan at higit pa sa lahat ay pag-ibig?

Inspirational

  1. ” Marami man tayong pagkakamali sa buhay, huwag tayong susuko sa anumang problema”

Huwag natin panatilihin ang ating kahinaan kung tayo ay nagkakamali. Harapin mo ang hamon sa buhay at alisin mo ang pag-iisip ng negatibo. Paano mo maso-solusyonan kung lagi nalang tayong nega. Habang may buhay pa huwag kang mawalan ng pag-asa. Huwag tayo magpapatalo sa kahinaan. Stay positive and chillax dahil importante ang self confidence. Ang self confidence ay nagbibigay ng lakas saatin para harapin ang mga problema.

5 Best Inspiring quotes

2. “Kung gusto mo abutin ang bituin kailangan mong magsikap para magtagumpay ka sa pangarap”

Minsan mahirap makuha ang gusto mo. Minsan hindi natupad ang hiling mo at higit pa sa lahat may humahadlang sa pangarap mo. Ano bang dapat natin gawin? Madalas sinasabi saatin na mas nakakatanda na mag-aral ng mabuti upang makapagtapos at makakuha ng diploma. Diba ang saya nun? Bukod sa tapos kana pwede mo nang matulungan ang pamilya mo. Kaya mo nang paangatin hanggang taas ang pangarap.

5 Best Inspiring quotes

3. ” Ang pag-ibig hindi nakikita sa ganda dahil pinapapahalagahan niya kung sino ka”.

Kahit gaano ka man kaganda kung hindi naman nababagay sa ugali mo. Wala parin magkakagusto sa’yo. Palaging tandaan. Huwag tayo magpapaakit sa magandang itsura ng tao dahil hindi mo alam ahas pala yan na nanunuklaw. Maghanap ka ng taong nakakatulong sa’yo, huwag sa konsumisyon. Maraming taong mapagkunwari sa pag-ibig kaya tingnan natin mabuti kung sino talaga sila.

5 best inspirational quotes

4. “Sana makalipad tayo para makarating tayo kahit saan”

Kung may kakayahan lang lumipad, makakarating tayo sa gusto natin puntahan. Siguro ang saya-saya ngunit lahat tayo ay may limitasyon. Huwag na natin pilitin ang imposible dahil napakalayo sa ating pagkatao. Halimbawa, hindi mo kayang maging matalino. Bakit hindi ka nalang magtiyaga sa pag-aaral para tumaas ang grades. Ang goal lang naman natin. Magkaroon tayo ng magandang kinabukasan hindi pagalingan.

(Visited 1 times, 1 visits today)
loading...